PAREHONG Iglesia ni Cristo sina Ruru Madrid at Kathryn Bernardo, kaya nang makita namin ang aktor sa taping ng The Half Sisters, tinanong namin siya sa nababalitang itiniwalag ng INC si Kathryn dahil in-endorse si Mar Roxas.

Sagot ni Ruru, may mga narinig at nabasa siyang kuwento tungkol dito pero dahil wala pang announcement ang pamunuan ng INC sa mga miyembro, hindi niya alam kung ano ang totoo.

Ang malinaw sa kanya, ipinagbabawal ng INC sa members na mag-endorse ng kahit sinong kandidato. 

Ipinagbabawal din ito ng GMA-7 at susunod si Ruru, lalo’t hindi pa siya botante.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Samantala, nagagalit sa kanya ang fans nina André Paras at Barbie Forteza sa pagpasok niya sa The Half Sisters. Feeling ng fans, inagaw niya si Barbie kay André. Pero kung sumusubaybay kayo sa afternoon soap, may nangyari kung bakit sina Joaquin (Ruru) at Diana (Barbie) na sa story at out na si Bradley (Andre).

Sa January 8, 2016 pa masasagot kung sina Ruru at Barbie ang magkakatuluyan sa The Half Sisters dahil kung hindi uli ma-extend, sa nasabing petsa na raw talaga ang ending ng soap. (Nitz Miralles)