MASAYA ang Pasko ni Gabby Concepcion dahil may work siya.

Uuwi na pala sana siya sa kanyang mag-iina sa San Francisco dahil nagkataon na may shows din siyang gagawin doon, pero pumirma siya ng per project contract sa GMA Network at hindi niya alam na magsisimula agad ang kanyang trabaho.

“Pero masaya ako nang tawagan na magsisimula na raw kaming mag-taping ng Because of You,” kuwento ni Gabby.

“Tinanggap ko iyon dahil gusto ko ang story. ‘Dinasal ko talaga na kapag binigyan ako ng project, dahil malapit na ang Christmas, sana ay light lang ang story at iyon naman ang tema ng aming soap na kasama ko sina Carla Abellana at Rafael Rosell.”

Relasyon at Hiwalayan

Mavy masaya para kina Kyline, Kobe

Hindi ba siya nanibago na ang leading lady niya ay anak ng kasabayan niya noon pa na si Rey “PJ” Abellana (na kasama rin nila sa serye)?

“Medyo nagulat lang ako pero nothing to complain. Nagkasama na rin kami ni Carla four years ago sa Yesterday, Today, Tomorrow. Ginagawa lang namin kung ano ang nasa script, hindi ko iniisip na anak siya ni PJ. Masaya ako na new generation na ang kasama ko ngayon. Lalo pa at may apat na anak din ako sa story, masaya ang taping.”

Gaganap si Gabby bilang si Jaime Salcedo, guwapo, mabait, mayaman, mapagmahal pero nagawa pa ring lokohin ng asawa (gagampanan ni Valerie Concepcion). Si Andrea (Carla) ang muling nagpadama ng pagmamahal at pag-aalaga sa kanya, pero hindi matatanggap ng mga anak niya na magkaroon ng bagong babae sa buhay niya.

Double time nga lamang si Gabby dahil aalis siya for the States sa December 17 para sa natanguan na niyang shows sa Houston, Texas at California. Doon na siya magpapalipas ng Christmas at New Year kaya sa January 3 na ang balik niya rito.

Ngayong gabi na ang pilot telecast ng Because of You na nagtatampok din kina Ms. Celia Rodriguez, Ms. Kuh Ledesma, Iya Villania, at gumaganap na mga anak ni Gabby na sina Joyce Ching, Sofia Pablo, Jacob Briss at Julius Arasga, mula sa direksiyon ni Mark Reyes. Mapapanood ang Because of You pagkatapos ng Little Nanay. (NORA CALDERON)