Mga laro Linggo sa PhilSports Arena

Match

No 1 14:00 AUS2 vs. NED

No 2 15:00 AUS 1 vs. USA

Karl Eldrew Yulo sinabihang 'wag magbago, 'wag gagaya sa kuya

No 3 16:00 SWE vs. PHI2

No 4 17:00 JPN vs. BRA

No 5 18:00 THA vs. PHI1

No 6 19:00 ESP vs. AUS2

Nangako ang dalawang koponan ng Pilipinas na pilit nitong iuuwi ang pinaglalabanang titulo kontra sa 12 dayuhang koponan bago sumabak sa kani-kanilang unang laban sa pagsisimula ng 1st Spike for Peace International Beach Volley tournament sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Habang isinusulat ito ay nakatakdang sumabak ang pareha nina Charo Soriano at Alexa Micek na siyang bubuo sa Philippines 1 at ang tambalan nina Danika Gendrauli at Norie Jean Diaz na bibitbitin ang Philippines 2 sa nakataya na anim na laro sa limang araw na torneo.

“Gagawin po namin ang lahat ng aming makakaya,” ang sabi ni Norie Jean Diaz, na miyembro ng Sizzling Sisigs Giligans na nagawang iuwi ang korona ng prestihiyosong 1st Philippine Super Liga Beach Volley Challenge kasama ni Danica Gendrauli.

Nakatakdang unang sumagupa ang tambalan nina Diaz at Gendrauli na Philippines 1 kontra sa Sweden na binubuo ng pareha nina Karin Lundqvist at Anne-Lie Rinisland ganap na 4:00 ng hapon habang sasagupa sina Soriano at Micek kontra sa Thailand na binubuo nina Radarong Udomchavee at Varapatsorn Radarong alas-7 ng gabi.

Pinakaunang salpukan ang pareha nina Becchara Palmer at Sarah Battaglene ng Australia 2 kontra Netherlands na sina Roos Van Dev Hoeven at Gabrielle Ilke bago sundan ng sagupaan ng Australia 1 nina Justine at Jordan Mowen kontra USA nina Emily Stockman at Amanda Dowdy.

Ang iba pang laban ay Japan nina Akiko Hasegawa at Ayumi Uchida kontra Brazil nina Semirames Perazzo Ameral at Bruna Figueiredo at ang Spain nina Ester Ribera at Amaranta Fernandez kontra sa lalaban muli sa ikalawang sunod na laro na Australia 2 nina Palmer at Battaglene.

Isasagawa ang mga laban sa indoor venue na inorganisa ng Philippine Sports Commission at may basbas ng Larong Volleyball sa Pilipinas Inc. kung saan paglalabanan ang kabuuang US$25,000 na ang $8,000 para sa kampeon.

Nakabilang ang PHI1 sa Pool D kasama ang New Zealand at Thailand habang ang PHI2 ay nasa Pool C kasama ang Sweden, Japan at Brazil.

Nasa Pool A ang Spain, Australia B at Netherlands at Pool C naman ang Indonesia, Australian A at United States.

Ilan naman sa mga kalahok ay nagnanais makapasok sa 2016 Rio Olympics, ayon kay PSC consultant sa beach volley Erik LeCain.

Una nang nakapaglaro sa bansa ang New Zealander na sina Julia Tilley at Shau¬na Polley kung saan ito ang tinanghal na kampeon sa isang hindi sanctioned na torneo noong Setyembre na ginanap sa Maynila. - Angie Oredo