ANG item na ito tungkol kina Alden Richards at Maine Mendoza ay para sa mga taga-Philtrust ng Aurora Boulevard branch na nag-request ng AlDub item. Pumunta kami sa Philtrust para ayusin ang isang problema at ang request nila ay balita tungkol sa AlDub.

Sa November 30 na ang last shooting day ng My Bebe Love, ang MMFF entry nina Vic Sotto at Ai Ai delas Alas na second lead sina Alden at Maine. Hinihintay ng AlDub Nation ang first movie ng dalawa na ipalalabas sa filmfest sa December para ipakita ang suporta nila sa kanilang favorite love team.

Ang box-office gross ng My Bebe Love ang magpapatunay kung tunay bang number one love team ngayon ng bansa ang AlDub o kung tama ang critics nila na hanggang sa social media lang sila sikat.

Sabi ng ilang fans ng AlDub, sa showing ng My Bebe Love muli nilang ipapakita ang lakas nila sa social media.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Tatapatan daw nila ang 41M tweets na naitala sa Tamang Panahon episode ng kalyeserye ng Eat Bulaga noong October 24.

Samantala, sunud-sunod na naman ang airing ng TVC ng Aldub at ang latest na nag-air ay ang para sa sabong panlaba noong Biyernes at ngayong Sabado, airing naman ng TVC ng vinegar endorsement nila.

May mga susunod pa silang endorsements, kaya abang-abang lang AlDub Nation. Hanggang next year, may aabangan kayong TVC ng AlDub. (Nitz Miralles)