Mga laro sa Lunes

San Juan Arena

9 a.m.

EAC vs. San Beda (w)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Arellano vs. Letran (w)

Perpetual vs. San Sebastian (w)

Lyceum vs, Mapua (w)

St. Benilde vs. JRU (w)

Sa lunes na sisimulan ang NCAA Season 91st volleyball tournament na nakatakdang pamahalaan ng Letran bilang event host sa San Juan Arena.

Limang koponan ang maglalaro na pawang sa women’s division ang magbubukas sa torneo na uumpisahan ng 9:00 ng umaga.

Nakatakdang simulan ng Arellano University ang pagtatanggol ng kanilang titulo sa pagsagupa nila sa Letran sa ikalawang laro na inaasahang magsisimula ng 11:00 ng umaga habang matinding pagsubok naman ang agad na kakaharapin ng last year’s losing finalist at ngayon ay title favorite San Sebastian College sa pagsagupa nito sa isa pang heavyweight University of Perpetual Help sa ikatlong laro.

Mauuna rito, magtutuos ang Emilio Aguinaldo College at ang San Beda College sa pambungad na laban ganap na ika-9 ng umaga.

Maghaharap naman sa huling dalawang laban ang mga Intramuros-based teams Lyceum at Mapua sa ika-apat na laban na susundan ng College of St. Benilde at ng Jose Rizal University.

Noong nakaraang taon, impresibo ang naging kampanya ng Lady Bombers kung saan buhat sa pagiging perennial cellar dweller ay umangat sila at naungusan ang ilang mga koponan na gaya ng Mapua, Letran, EAC at Lyceum.

Inaasahan naman ang mas mahigpit na kumpetisyon ngayong taon kung saan maraming koponan ang nagpalakas ng kani-kanilang mga roster maging sa men’s at juniors division na defending champion ang Emilio Aguinaldo College at University of Perpetual ayon sa pagkakasunod. (MARIVIC AWITAN)