Isang 41-anyos na lalaki ang inaresto ng sarili niyang kapatid na pulis, matapos niyang pagtangkaang patayin ang kanilang ina nitong Lunes ng umaga sa Barangay San Rafael, Roxas, Isabela.

Sinabi ni Supt. Julio Go, tagapagsalita ng Isabela Police Provincial Office (PPO), na ang dinakip ay kinilalang si Jerry Apan, walang trabaho, at residente ng Bgy. San Rafael sa Roxas.

Ayon sa report ng Roxas Police sa Isabela PPO, dakong 7:30 ng umaga nitong Nobyembre 23 nang magwala sa loob ng kanilang bahay si Jerry.

Pinagsisira umano ng suspek ang mga gamit sa loob ng bahay at tinangkang tagakin ang sarili niyang ina na si Lucena Apan, 66 anyos.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Naaktuhan si Jerry ng kapatid na si PO3 Eduardo Apan at agad siyang dinala sa himpilan ng pulisya.

Inihahanda na ang kasong attempted parricide laban sa suspek. (LIEZLE BASA IÑIGO)