TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Hindi sukat akalain ng mga kaanak ng isang magpinsan na magtatagaan ang mga ito, dahil nagsalo pa sa almusal ang biktima at suspek bago nangyari ang krimen nitong Lunes ng tanghali sa Purok Sampaguita, Barangay Tina, Tacurong City.

Nagtamo ng taga sa kanang bahagi ng leeg, balikat at likod si Argie Tanalgo y Florida, 29, binata, walang trabaho, at residente sa lugar.

Makaraang mabigyan ng pangunang lunas si Tanalgo ay dinala ito sa pagamutan sa Isulan, at kritikal ngayon ang lagay.

Nabatid din na sumuko sa kapitan ng Bgy. Tina ang suspek na si Kenneth Canetillo y Tanalgo, 32, ng Bgy. Ambalgan, Santo Niño, South Cotabato.

Probinsya

Higit 1 buwang nawawala: Mangingisda mula sa Quezon, inanod sa Batanes!

Hindi pa batid ang pinag-awayan ng magpinsan. (Leo P. Diaz)