Handa ang Philippine National Police (PNP) na iharap ang report sa ginastos nito sa katatapos na Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) meeting sa bansa.

Sinabi ni PNP chief, Police Director General Ricardo Marquez, Ayon kay Marquez, sinimulan nila ang pagsusumite ng disbursement report sa Commission on Audit (COA) noong nasa planning stage pa lamang ang ikinasa nilang seguridad sa summit.

Sinabi sa ulat na may kabuuang 40 meetings ang ginawa ng APEC security task force mula Disyembre 2014 hanggang sa huling event nitong nakaraang linggo.

Sa pagtaya ng PNP chief, malaking halaga ang kanilang nagastos dahil sa pagtalaga ng mga pulis mula sa iba’t ibang rehiyon.

'Para pa ba sa akin 'to?' Zephanie, muntik nang umexit sa showbiz

Ayon sa report ni Director Danilo Felisco, hepe ng comptrollership ng PNP, umaabot sa P784,901,735.41 ang kabuuang halaga ng gastusin ng PNP para sa isang buong taon, na nagsimula noong Disyembre 2014 hanggang Nobyembre 20 ng taong kasalukuyan. (Fer Taboy)