TALAVERA, Nueva Ecija - Binawian ng buhay habang ginagamot sa ospital ang isang 85-anyos na biyuda makaraan siyang mabundol ng isang Isuzu Elf Dropside sa Daang Maharlika, sakop ng Barangay Bacal I sa bayang ito, nitong Linggo ng gabi.

Sa ulat ni Supt. Roginald Atizado Francisco, hepe ng Talavera Police, kay Mayor Nerivi Santos-Martinez, nakilala ang biktimang si Virginia Sanchez y Cargamento, ng Bgy. Poblacion West, Science City of Muñoz, na nagtamo ng matinding pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa pagsisiyasat ni PO2 Gilbert Dizon, dakong 12:05 ng umaga at nag-iisang naglalakad sa gilid ng kalsada si Sanchez nang biglang matalisod at mahagip ng Isuzu truck na minamaneho ni Georgeson Maravillas y Dario, 27, tubong Kalawit, Zamboanga Del Norte, at nakatira sa Bgy. Del Rosario, City of San Fernando, Pampanga.

Nasa kostudiya na ng pulisya si Maravillas, na kakasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

(Light A. Nolasco)