Maine Mendoza
Maine Mendoza
MARAMI ang nag-expect na darating sina Alden Richards at Maine Mendoza sa birthday dinner ng ‘nanay’ nilang si Ms. Malou Choa-Fagar, senior vice president ng TAPE, Inc., producer ng Eat Bulaga, sa 38 Valencia Events Place ni Mother Lily Monteverde.  

Tinanong namin si Malou kung darating si Maine, hindi raw dahil nanood ng Sam Smith concert sa SM Mall of Asia Arena. Ayon naman kay Ms. Gigi Santiago-Lara ng GMA Artist Center, pinagpahinga na nila si Alden after ng rehearsal nito last Saturday para sa Sunday Pinasaya. Wala pa raw halos tulog si Alden na kagagaling sa show sa City Coliseum sa Puerto Prinsesa, Palawan last Friday evening at early morning ng Saturday bumalik ng Manila para sa Eat Bulaga.

Si Sam Smith ba ang nag-concert sa MOA o si Maine?

Base sa mga post sa Twitter, mistulang si Maine ang nag-concert sa rami ng taong lumapit at gustong magpa-picture sa kanya. Nahirapan nga raw siyang mailabas ng security sa venue. Pero puring-puri ng mga tao si Maine, lagi raw nakangiti o nagmi-make face sa fans na hindi niya maabot o makalapit sa kanya.  

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kung ganoon karami ang taong gustong makita sa personal si Maine, tulad ni Alden sa tuwing magkakaroon siya ng show, paano na nga ba pagsasamahin sa isang show ang tinaguriang phenomenal love team?

Samantala, sa kalyeserye nina Alden at Yaya Dub noong Sabado, tuluyan na bang ipaglalaban nina Alden at Yaya ang kanilang pag-ibig dahil gusto ng Lola Babah (Ai Ai delas Alas) na ipakasal na ang apo niya sa Russian model na si Cindy na gusto nito.

Sabi ni Alden kay Yaya: “Ikaw at ako, ako at ikaw, ipaglalaban natin ito.”  

Sa isang sumptuous lunch na inihanda ni Lola Babah, nakagawa ng paraan sina Alden at Yaya na magkausap na hindi naririnig nina Lola Babah, Lola Nidora (Wally Bayola), Lola Tidora (Paolo Ballesteros) at Cindy. Para mapigil ni Alden ang pagtatampo ni Yaya Dub, niyakap niya ito nang mahigpit.

Nang bumalik sila sa mga lola, pinilit pa rin ni Babah si Alden na ituloy ang kasal nila ni Cindy. Hinawakan ni Alden ang kamay ni Yaya at sabay sa pagpapaalam, tumakbo silang dalawa palabas ng bahay at hindi na nakahabol ang mga naiwanan nila. Ngayong Lunes, makalayo na kaya sila nang tuluyan sa tatlong lola nila? —Nora Calderon