Sa tinatakbo ng mga pangyayari base sa statistics na kanilang naisalansan sa unang apat na laro ng season, mukhang magiging mahigpit ang labanan ngayon sa Rookie of the Year honors ng PBA Season 41.

Batay sa natipon nilang statistics matapos ang unang apat na laro ng ginaganap na Philippine Cup, magkakadikit lamang ang unang limang contenders para sa top rookie honors.

Nangunguna ang prized rookie ng Mahindra na si Bradwyn Guinto na may naitalang 25.8 statistical points.

Nakapagposte ang dating San Sebastian College center sa NCAA ng averages na 10.5- puntos, 11.3 rebound, 1.3 assist at 1.3 block per game.

Tatay ni Caloy, ‘ginatasan’ daw ng anak: ‘Kinuha niya semilya ko, ginanyan na kami!’

Pumangalawa sa kanya si dating PBA-D League MVP Moala Tautuaa ng Talk ‘N Text na mayroon namang 24.5 SP mula sa kanyang naitalang averages na 10.0- puntos, 5.8 rebound, 2.0 assist at 1.3 steal kada laro.

Hindi naman nalalayo si Maverick Ahanmisi ng Rain or Shine na nakalikom ng 21.0 SP bilang pangatlo.

Nasa ikaapat na posisyon naman ang kakampi ni Tautuaa na si dating National University (NU) standout na si Troy Rosario na may 20.0 SP at pumapanglima ang Fil- Am na si Simon Enciso na may 18.5 SP. (Marivic Awitan)