Natapuang nakabigti at wala nang buhay ang isang 19-anyos na lalaki na nagpakamatay makaraang mabigong makadalo sa kaarawan ng kanyang anak sa Barangay Gabi, Cordova, Cebu, iniulat ng pulisya kahapon.

Ayon sa Cordova Municipal Police, Lunes ng hapon nang natagpuang patay si Axel Rose Roldan Añeza habang nakabigti sa kanyang kuwarto, makaraang hindi siya payagan ng ina ng dating kinakasama na makadalo sa birthday ng kanilang anak.

Sa pagsisiyasat ni SPO2 Laurencio Wagwag, bago nagbigti ay nagpaalam si Añeza sa mga magulang na dadalawin ang anak na magdaraos ng birthday party, pero makalipas ang ilang sandal ay malungkot na nagbalik si Añeza at nagkulong sa kuwarto.

Nabatid na iniwan si Añeza ng ina ng bata dahil sa kawalan niya ng trabaho. (Fer Taboy)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog