AWA ang nararamdaman namin sa mahusay na aktres na tinatanggihan na palang makatrabaho ng ibang artista.

Ang dahilan daw ng tumangging kilalang aktor, “Busy ako, may iba akong commitment.” Ang sabi naman ng aktres na inalok at tumanggi rin, “Magbabakasyon po kami ng family ko.”

Kung tutuusin ay pawang mababaw ang dahilan ng mga inalok na makatrabaho ng kilalang mahusay na aktres dahil puwede namang gawan ng paraan ang schedule. Puwede nilang ipagpaliban o kaya ay sabihing pagkatapos ng prior commitment o pag-uwi na lang galing bakasyon kunan ng eksena.

Sayang, ang ganda pa naman at talagang challenging ang mga papel ng mga tumangging artista at talagang naging talk of the town ang nasabing project.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Gusto tuloy naming isipin na ang working attitude pa rin ng mahusay na aktres ang dahilan kaya siya tinanggihan.

Kuwento ng taga-production na nakatrabaho ng mahusay na aktres, “Akala namin nagbago na, hindi pa rin pala, good thing hindi siya masyadong nagpaka-diva sa latest project niya kasi mas may diva sa kanya kaya siguro tumiklop siya.”

Sayang, ang galing umarte ng mahusay aktres at kahit nag-iba na ang itsura niya ngayon, maganda pa rin siya at class. (Reggee Bonoan)