Jessy Mendiola
Jessy Mendiola

SI Jessy Mendiola ang sinisisi sa nangyari kay JM de Guzman, malas daw siya sa buhay at career ng aktor, kaya nawala ito sa afternoon soap na All of Me at sa MMFF entry na Walang Forever.

Hindi raw siya nakatulong kay JM at may mga sobra ang galit sa kanya na nagsabing sana hindi na lang sila nagkabalikan. May nagbintang pa kay Jessy na nakisakay sa kasikatan ni JM, pero nang magkaproblema ang aktor, kanyang binitawan.

Hindi na nakatiis si Jessy at sinagot ang isang fan ni JM na sinabihan siya na kailangan ni JM ang suporta ngayon at kung hindi niya maibibigay ‘yun ay huwag siyang makalapit-lapit uli kapag naging okay na uli ang aktor. Layuan na raw niya si JM kung hindi kayang pangatawanan ni Jessy ang kanyang desisyon.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sagot ni Jessy: “Hindi mo pala alam nangyari sa ‘min. So wala kang karapatang husgahan ako. ‘Wag mong husgahan si JM. Hindi mo siya kilala at mas lalo nang hindi mo alam kung bakit ganito desisyon namin. Ikaw ang makasarili kasi hindi ka sensitive enough na ‘wag na lang magsalita kahit alam mong may mga masasaktan.

“Ang hindi ko maintindihan sa mga taong ‘to, masyado kayong manghuhula sa mga nangyayari at sa mga desisyon namin. Tao din ako at may puso ako, nagmahal lang ako at nasaktan din. ‘Wag kayong masyadong mapanghusga, hindi kayo Diyos. Hindi n’yo alam LAHAT. Sana matauhan na kayong lahat at magising sa mga sarili n’yo.

“Kung kayo ang nasa posisyon namin, sigurado akong sobrang sakit din nito sa mga puso n’yo. At ang pinakamalala pa sa inyong mga nanghuhusga, hindi kayo nakakatulong sa sitwasyon. Ipagdadasal ko na lang kayong lahat.”

Madi-disappoint lang si JM dahil kahit naglabas na siya ng saloobin, may mga hindi pa rin nagbago ang paniniwalang kasalanan niya ang nangyari sa aktor. Pero mas marami ang nakauunawa kay Jessy at sana nga ay magkaroon na sila ng maayos at tahimik na buhay ni JM kahit magkahiwalay sila. - Nitz Miralles