LA UNION – Agad na namatay ang isang mister matapos itong magbaril sa sarili kasunod ng pakikipagtalo sa kanyang maybahay sa Barangay Balwarte, sa Agoo, La Union.

Kinilala ng pulisya ang nagpatiwakal na si Raylan Rubio, 25, ng Bgy. San Julian West, Agoo, na nagbaril sa sarili gamit ang isang .38 caliber revolver matapos makipagtalo sa kanyang asawa.

Natulala naman sa pagkabigla ang maybahay ni Rubio.

Inaalam pa ng pulisya kung may foul play sa insidente. (Wilfredo Berganio)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog