Mga laro sa Martes
Marikina Sports Center
7:00 pm
Fly Dragon Logistics vs Metro Pacific Toll Corporation
8:30 pm
Mindanao Aguilas vs Our Lady of Fatima University
Tinalo ng Power Innovation Philippines ang Philippine Christian University (PCU), 70-67, Linggo ng gabi (Nobyembre 8 ) sa pagpapatuloy ng 5th DELeague Basketball Tournament sa Marikina Sports Center, Marikina City.
Mula sa tablang iskor na 67-all ay nagbuslo ng tatlong free throws si Ronald Roy para ibigay sa Power Innovators ang ikalawang panalo sa tatlong laro.
Nagtapos si Roy na may 19-puntos, 11 rebound at 6 assists. Nagdagdag naman ng 16-puntos, 4 rebounds si JR Ng Sang para sa Power Innovation.
“When I brought in the ex-pros, medyo bumagal ‘yung phase ng game, then bumilis naman ‘yung kalaban so what I did is pinasok ko yung mga youngster ko to match the youngsters ng PCU [so] minatch up ko sila and so I think mas malakas yung youngster ko sa PCU” wika ni Coach Francis Heslet ng Power Innovation Philippines.
Samantala, nadungisan naman ang malinis na rekord ng PCU-Dolphines 2-1 nang kapusin ang 26-puntos, 6 rebounds, 4 assists ni Von Tambeling, at 20-puntos, 4 rebounds ni Mike Ayonayon.
Sa isa pang laro ng gabing iyon, nawakasan na ang uhaw sa panalo ng Austen Morris Association nang talunin nila ang Philippine National Police (PNP)-Quick Print, 86-71, sa ligang sinusuportahan ng PSBank, Accel Sportswear, PCA–Marivalley, Angel’s Burger, Mckie’s Construction Equipment Sales and Rentals, Luyong Panciteria, Azucar Boulangerie and Patisserie, JAJ Quick Print Advertising, Mall Tile Experts Corporation, Jay Marcelo Tires, Polar Glass and Aluminum Supply at Mr. and Mrs. Dot Escalona.
Inuwi ng Power Innovation panalo, 86-71, laban sa Philippine National Police- Quick Print.
Nagpasok ng 22-puntos, 6 rebounds si Jon Lasa, at 15-puntos, 6 rebounds si RJ Deles para magkaroon ng 1-2 rekord ang Austen Morris Association.
Samantala, laglag na sa 0-3 ang kartada ng Philippine National Police-Quick Print nang hindi sumapat ang 18-puntos , 8 rebounds 3 assist ni Estong Ballesteros at 12-puntos nina Gio Vergara at Ton Tolentino.
Magsasagupaan sa Martes sa unang laro ang Fly Dragon Logistics at Metro Pacific Toll Corporation samantalang magtatapat naman ang Mindanao Aguilas at Our Lady of Fatima University sa ikalawang laro.
Mabibili ang ticket sa halagang P10. Para sa resulta ng mga laro, maaaring bisitahin ang www.sports29.com.
(ANGIE OREDO)