KALIBO, Aklan - Pormal nang kinasuhan ng paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act) ang isang 31-anyos na tricycle driver na nahuli sa pagpupuslit ng mga isda, na napapalooban ng shabu, sa loob ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)-Aklan.

Umabot sa limang sachet ng shabu ang narekober ng awtoridad sa loob ng isdang bisugo, bukod pa sa isang sachet ng shabu na nasa kaha ng sigarilyo ni Joseph Edusma, ng Barangay Culasi, Roxas City.

Inilagay ni Edusma ang mga isda sa loob ng isang thermo chest.

Bibisitahin sana ni Edusma ang kapatid na bilanggo, na naaresto sa Boracay Island sa Malay dahil din sa ilegal na droga.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang suspek sa insidente. (Jun N. Aguirre)