Inaresto kahapon ng pulisya ang isang ama makaraan itong ireklamo sa 10 beses umanong panghahalay sa kanyang anim na taong gulang na anak na babae sa Maddela, Quirino.

Ililipat sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Cabarroguis matapos sampahan ng 10 bilang ng rape ang 31-anyos na suspek, biyudo, isang magsasaka.

Sinabi ni Chief Insp. Walter Pasicolan, hepe ng Maddela Police, na dinakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Menrado Corpuz, ng Regional Trial Court (RTC) Branch 38 ng Maddela, sa panggagahasa sa sarili niyang anak.

Ayon sa record ng pulisya, nangyari ang panggagahasa sa biktima noong 2014 hanggang Mayo 2015, hanggang sa magsumbong ang bata sa kanyang tiyahin.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Namatay ang ina ng bata nang magsilang sa kanya.

Batay sa pagsusuri ng doktor sa bata, may laceration sa ari nito. (FER TABOY)