Nais ng Alaska na mapanatili ang malinis nilang kartada at pamumuno at nakasalalay ito sa dalawang dikit nilang laro sa muling pagdayo ng PBA sa Dubai bilang bahagi ng 2016 PBA Philippine Cup sa Biyernes at Sabado.

Isang malaking katanungan kung kakayanin ng resistensiya ng Aces ang nakatakdang pagsabak sa dalawang sunod na araw, una sa Biyernes kontra Mahindra Enforcers at sa Sabado naman kontra Barangay Ginebra Kings.

Para sa kanilang katunggaling Mahindra at Ginebra, kapwa naman magtatangka ang dalawang koponan na makapasok sa winner’s circle matapos na mabigo sa unang dalawa nilang laban.

Nakaalis na noong Lunes ng umaga ang Enforcers at ang Aces sakay ng Singapore Airlines patungong United Arab Emirates habang sumunod naman sa kanila kahapon ang Gin Kings.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Ang mga opisyales ng PBA sa pangunguna nina chief executive officer Chito Salud, deputy commissioner Rickie Santos at media bureau head Willie Marcial, kasama ang mga game at technical official ay umalis din kahapon habang susunod naman sa kanila si Commissioner Chito Narvasa pagkatapos ng mga laro ngayong araw na ito sa Mall of Asia Arena.

Nakatakdang magsagupa ang Aces at ang Enforcers ganap na ika-8 ng gabi sa Biyernes, alas-12 ng hatinggabi dito sa bansa sa Al Wasl Stadium bago nila sagupain kinabukasan ang Gin Kings sa parehas ding venue.

Samantala, nagpasalamat si Salud sa Alaska sa pagpayag ng mga ito na sumabak sa back-to-back games na gaya ng ginawa ng Rain or Shine nang ng maglaro ang PBA sa Dubai noong nakaraang Mayo.

“Nagpapasalamat tayo sa Alaska Aces sa pagpayag nilang maglaro ng back-to-back official games. Alam kong gagawin nila ito para sa ating mga kababayan sa UAE,” ani Salud.

Ayon kay Salud, ang paglalarong ito ng PBA sa Dubai ay paraan ng liga ng pagpapaabot ng kanilang pasasalamat sa mga libu-libong OFWs na nakakatulong ng malaki sa pag-angat ng ekonomiya n g ating bansa.

“It is one of our ways of saying thank you to these countrymen of ours who endure loneliness and at times, even hostile working conditions to be able to support their families back home and of course country through their remittances,” ayon pa kay Salud.

“Without fail, the PBA is always rewarded by the warmest reception one can receive pre, during, and post game. And Dubai ranks up there when it comes to the intensity of reception the PBA gets everytime we go there,” dagdag nito.