CAMP GENERAL SIMEON OLA, Legazpi City – Limang operatiba ng Gubat Police Station ang masuwerteng nakatakas sa pananambang ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Gubat, Sorsogon, nitong Lunes ng hapon.

Kinilala ni Senior Insp. Malu Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO)-5 ang mga nakaligtas na pulis na sina SPO1 Ronald D. Din, PO3 Aris E. Hasal, PO1 Gerry H. Gabuyo, PO2 Dennis S. Garbida, at PO2 Sheryl Marbella.

Sinabi ni Calubaquib na lulan sa patrol vehicle ng pulisya ang limang pulis pabalik sa himpilan ng Gubat Police mula sa Camp General Simeon Ola sa Legazpi City, Albay, nang pagbabarilin sila ng mga rebelde sa Sitio Casili, Barangay Marinas sa Gubat.

Ayon kay Calubaquib, bahagyang nasugatan ang limang pulis ngunit maayos na ang lagay ng mga ito. (Niño N. Luces)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito