Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ricardo Marquez sa lahat ng kanyang tauhan sa buong bansa na tiyakin ang peace and order sa bawat nasasakupan at siguraduhing ligtas ang publiko sa magkasunod na paggunita ng All Saints’ Day at All Souls’ Day.

Sa kasalukuyan, walang namo-monitor ang PNP na banta sa seguridad at tahimik na naidaos ang Undas.

“There is no imminent threat to security ahead of the commemoration of All Saints’ and All Souls’ Day,” ayon kay Marquez.

Personal na umikot at nag-inspeksiyon si Marquez sa ilang lugar sa kalakhang Maynila upang tiyakin ang maayos na seguridad ng publiko.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Kabilang sa mga lugar na pinuntahan ni Marquez ay ang Araneta Bus Terminal, Manila South Cemetery, Ayala MRT Station, Victory Liner Bus Terminal, Manila North Harbor Passenger Terminal at NAIA Terminal 3. - Fer Taboy