Hindi pa man natatapos ang taon ay nakahanda na agad ang isa pang mas matindi at puno ng aksiyon na taon ng women’s volleyball sa pagtuntong ng Philippine Superliga (PSL) sa ikaapat nitong taon sa 2016.

Sinabi ni PSL president Ramon “Tats” Suzara na ang inter-club league sa bansa ay magkakaroon ng punong-puno ng kalendaryo sa susunod na taon tampok ang dalawang internasyonal na toreno na inaasahang mag-aagat lalo sa kalidad ng volleyball sa Pilipinas.

Sisimulan ng liga ang 2016 sa pamamagitan ng Invitational Cup sa Pebrero bago sundan ng beach volley sa Mayo. Sunod nitong isasagawa ang All-Filipino Conference sa Hunyo kung saan ang mga mahuhusay na rookie mula sa University Athletic Association of the Philippines at National Collegiate Athletic Association ay inaasahang ipapakita ang kanilang kalidad kontra sa mga beterano ng liga.

Ang centerpiece at pinak aaabangan na komperensiya ng liga na import-flavored Grand Prix ay itinakda sa Oktubre kasunod ang isa pang beach volleyball tournament sa Disyembre upang kumpletuhin ang taon.

DepEd Sec. Angara na-starstruck kay EJ Obiena: 'We are proud of you!'

Nakatakda rin ang PSL na maghost ng international na torneo na AVC Asian Women’s Club Championship na FIVB World Women’s Club Championship sa 2016. Hindi pa naman naitatakda ang iskedyul ng huling torneo.

Inaasahang mapopormalisa ang kalendaryo ng PSL sa 2016 at aaprubahan ng mga team owners sa gaganapin na planning session ng liga sa Nobyembre 11.

“Due to our tremendous success this year, we have decided to treat fans to a year-round of intense volleyball action,” sabi ni Suzara, na ranking executive sa AVC at FIVB.

Dahil sa solidong kalendaryo sa susunod na taon ay inihayag ni Suzara na agad ibinasura ng team owners ang kanilang per-conference agreement sa kanilang mga players. Imbes ay inalok ng mga koponan ang mga players ng taunang kontra na hindi lamang magsisiguro sa kanilang kinabukasan kundi maglilimita dito upang maglaro lamang para sa kanilang mother teams sa PSL.

Sa kasalukuyan ay tatlong manlalaro sa PSL ang naglalaro sa ibang liga.

“It was already agreed in principle and will be formalized during the planning session,” sabi ni Suzara. “With the battle for the crown heating up, team owners are now serious to build a title contender. This is really a giant step towards a more competitive league next year.”

Umani ang PSL ng matinding tagumpay ngayong taon sa pagdagdag sa beach volley at pagpapakilala nito sa video challenge system. Ang liga rin ang sumuporta sa pagpapadala ng tatlong koponan sa China, Taipei at Vietnam.

“Rest assured that we will double what we have achieved this year,” sabi ni Suzara. “And we’re doing all of these for the love of volleyball.” (ANGIE OREDO)