NA-BASH ng netizens sina Claudine Barretto at Derek Ramsay nang parehong mag-post sa Instagram ng related sa AlDub at saTamang Panahon event ng Eat Bulaga last Saturday.

Si Derek, ipinost ang facade ng Philippine Arena bago nag-start ang EB at maraming AlNub Nation fans nina Alden Richards at Maine “Yaya Dub” Mendoza ang nasa harap. Ang caption ng picture ay, “51k people to watch #eatbulaga #aldub at Philippine Arena. Amazing!”

Dahil doon, may mga nagalit na fans ni Derek, binash siya at may mga nag-comment na mas guwapo pa siya kay Alden.

Mas marami naman ang nakaintindi kay Derek lalo na nang mag-comment siya na proud siya dahil sa EB nagsimula ang kanyang showbiz career. Naging host pala si Derek ng EB mula 2001 to 2004 at masaya siya para sa show at mga host nito.

Netizens nanggigil sa bortang katawan ni Sam Concepcion; tinawag na ‘daddy’

Mas grabe ang reaction ng fans kay Claudine nang i-post ang TV screen showing Wally Bayola, Maine at Alden sa EB pa rin at sa comment niyang “Love u Aldub #aldubfan.

May nagpaalala sa kanya na kababalik lang niya sa ABS-CBN at palabas noong Saturday ang guesting niya sa Maalaala Mo Kaya at dapat, hindi siya nagpo-post ng show ng GMA-7. May nagsabi pang respetuhin ang network niya para hindi siya maakusahang sumasakay sa kasikatan ng AlDub.

May nag-suggest pa na i-delete ni Claudine ang post niya, pero as of yesterday, hindi pa niya dini-delete ang kanyang post. Mas tumaas pa nga ang nagbi-visit at nagko-comment.

Ito ang sagot ni Claudine sa followers niya na hindi nagustuhan ang post niya tungkol sa AlDub: “Sa mga hindi fans ng AlDub I’m sorry po kung nasaktan ko po kaya, pero ang totoong fan ay ‘di dapat matakot na ipaalam at ipaglaban ang mga iniidolo natin. Wala po akong masamang sinasabi tungkol sa iba. Natutuwa lang po ako na pinasasaya nila ang mga anak ko. Wala po akong sinasadyang saktan kahit sino sa inyo. I’m sorry po pero respetuhin po natin ang isa’t isa. God bless u all po.”

Marami rin naman ang kumampi kay Claudine, wala raw masama sa ginawa niyang pagpapahayag na fan sila ng kanyang mga anak ng AlDub. May nag-welcome pa sa kanya sa AlDub Nation. (NITZ MIRALLES)