DUNCAN, British Columbia (Reuters/AP) — Isang Canadian whale-watching tour boat na may 27 pasahero ang lumubog sa baybayin ng British Columbia noong Linggo, na ikinamatay ng lima katao.

Rumesponde ang Canadian military rescue helicopter at plane sa dagat ng Tofino matapos magpadala ng distress signal ang bangka dakong 5 p.m. local time, ayon sa tagapagsalita ng Joint Rescue Coordination Centre (JRCC).

Sinabi ni British Columbia Coroner spokeswoman Barb McLintock na hindi pa nila makumpirma ang bilang ng mga nawawala habang walo na ang dinala sa ospital.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo