LAOAG CITY – Pinalawig ng pamahalaang panglalawigan ng Ilocos Norte ang serbisyo ng Night Express ng mga jeepney at bus sa probinsiya.

Mula sa tatlong araw kada linggo, pitong araw bawat linggo na ang biyahe ng Night Express sa walong bayan at isang siyudad sa lalawigan—Bacarra, Vintar, Pasuquin, Dingras, Pagudpud, Burgos, Paoay, Nueva Era at Batac City.

Inaprubahan ng Metro Ilocos Norte Council (MINC) ang pagpapalawig ng schedule makaraang maging matagumpay ang dry run ng nabanggit na serbisyo nitong tag-araw.

Suportado ng mga namamasadang driver, ang Night Express ay bumibiyahe simula 8:00 ng gabi hanggang 1:00 ng umaga. PNA

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito