TATLONG araw ang taping ni Nora Aunor para sa guesting niya sa Pari Koy. Nagsimula siyang mag-taping last Wednesday at muling magti-taping sa Monday at Wednesday (August 10 and 12). Gagampanan niya ang role ni Lydia na naghahanap sa anak at apo at dahil napabayaan ang sarili, naging pulubi at dito na magkukrus ang landas nila ni Dingdong Dantes bilang si Fr. Kokoy.
Reunion nila Nora at Direk Maryo J. delos Reyes ang guesting ng superstar sa faith-serye, kaya parehong excited dahil 2004 pa sila last nagtrabaho sa pelikulang Naglalayag.
Sa interview kay Dingdong, nabanggit na dream come true sa kanya ang makatrabaho si Ate Guy at dahil natupad, nasabi nitong “walang himala.”
“Kung dream come true kay Dingdong na makatrabaho ako, ganu’n din ako dahil idol ko ‘yun. Mabait at magaling na aktor at napapanood ko sila dati ng asawa niyang si Marian (Rivera). Kaya hindi ako nagdalawang-isip na tanggapin ang offer na mag-guest sa Pari Koy,” wika ni Nora.
Kuwento pa ni Nora, nang magkita sila ni Dingdong sa Golden Screen Awards ng Enpress, nai-suggest niya kay Dingdong na gumawa sila ng pelikula at baka nga mangyari na ‘yun.
Unang napanood si Nora sa GMA-7 sa isang episode ng Karelasyon at itong guesting niya sa Pari ‘Koy ang kasunod, pero hindi nangangahulugan na magiging exclusive talent na siya ng network. Mas gusto niyang freelancer siya para nakakapag-guest saan mang istasyon na may magandang offer.
Pero ang ipoprodyus ni Nora na drama anthology ay sa GMA-7 niya ipinasok. Mala-Ang Makulay na Daigdig ni Nora ang concept nito, once a week ang airing, four different stories at four different directors.
“Under NVC Productions siya, ayos na ang lahat at schedule ng taping na lang ang inaayos pati ang casting. This year na ito mapapanood,” balita ni Nora.
May mga nag-suggest kay Nora na kunin niya sa isang episode ang apong si Janine Gutierrez dahil maganda ang kinalabasan nang pagsasama nila sa Karelasyon. Okay kay Nora na isama sa cast si Janine na magaling at maganda raw at nagmana sa kanya. (Nitz Miralles)