korina sanchez

“ANG saya! Eh, di wow!” Ito ang tumatawang pahayag ni Ms. Korina Sanchez nang makapanayam sa matagumpay na KeriBeks 1st National Gay Congress na ginanap sa Smart Araneta Coliseum last Tuesday.

Malapit sa mga beki ang Rated K host, sa katunayan ay ilang beses na silang napi-feature sa nasabing programa.

Ipinakikita kasi ni Ate Koring ang other side ng mga beki, na hindi lang puro pampaganda at kalandian ang alam nila kundi maaasahan sila ng kanilang mga mahal sa buhay pagdating sa mga nangangailangan.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Ang ginanap na KeriBeks 1st National Gay Congress ay inorganisa ni Korina base na rin sa pakiusap ng mga lumapit sa kanya.

“May mga beki na lumapit sa akin, eh, alam mo naman ang mga beki, malapit talaga ang puso ko sa mga bading kasi buong career ko, sila ang kasama ko sa trabaho.

“So ako, hindi mo lang ako katrabaho kundi kapamilya mo na rin. So alam ko lahat ang mga isyu nila sa buhay, alam ko ‘yung mga hinagpis nila and I figured that they really need empowerment kasi talagang mayroon pa ring diskriminasyon, tumatanda pa rin silang walang ipon, wala silang mga plano sa buhay. So this is really intended para sa self-sufficiency, makita nila ang kanilang future, paghandaan nila at the same time, para masaya lahat,” paliwanag ng Rated K host.

Bagamat hindi naman venue ang ginanap na gay congress sa kandidatura ni DILG Mar Roxas ay nakita ang kanyang esposo na nanood ng show.

“Supportive siya sa equality, sabi ko nga kahit sa dulo (ng show) ka na lang, pero he (Mar) was here the whole time para manood,” sabi ng wifey ni Sec. Mar.

Tinanong si Ate Koring kung naghahanda na siya para maging first lady, “Hayan na naman kayo, sumasakit ang ulo ko, ayokong pinag-uusapan.”

“Ang proyektong ito (1st National Gay Congress) was two years in the making kasi lahat ng grupo ng mga beki sa bawat city, bawat probinsiya pinuntahan ko sila isa-isa, nakinig ako sa mga kailangan nilang sabihin kaya nabuo ito.

“Long before nagkaroon ng plano si Mar na tumakbo. Nariyan na talaga ‘yan at testigo ko ‘yung mga kasama kong narito,” pahayag ng TV host.

Ano ang isinusulong ng 1st National Gay Congress na nakita naming may representative ang bawat siyudad o bayan sa Metro Manila?

“Well, maraming nagsilapitan, maraming nagsabi na sumali na sila sa ibang organisasyon at naisip ito ng grupo ng mga beki talaga tungkol sa isyu ng LGBT na sana magkaroon ng umbrella organization na kung mamarapatin nila na sila’y sumali diyan.

“Basta’t ang pangako ko kasi sa grupong ‘yan ay suportahan ko sila at tuloy ang mga proyektong eksklusibo para sa mga beki like job fair na beki lang ang puwedeng pumasok, concert na beki lang puwedeng pumasok. It is really an effort to make them recognize because they are people and they deserved to be treated equally and this is the start of that,” paliwanag na mabuti ni Korina.(REGGEE BONOAN)