MIAMI (Reuters)– Umaasa si Andy Murray na ang Swiss na si Jonas Bjorkman ay magkakaroon ng katulad na pilosopiya sa kanyang coach na si Amelie Mauresmo sa pagkakadagdag nito sa kanyang grupo sa isang trial basis, sinabi ng Scotsman kahapon.

Si Bjorkman, isang dating world number four na nagretiro mula sa professional tennis noong 2008, ay makakasama sa coaching set-up ni Murray pagkatapos ang kanyang involvement sa isang Swedish television dance show.

“I don’t think he has a huge ego so I wouldn’t envisage that being a huge problem,” sabi ni Murray sa mga mamamahayag sa Miami Open kung saan siya ang third seed.

“They have spoken to each other a number of times on the phone, both have said to me that it went very well, they both like each other and know each other from their playing days which is good.

National

'Napakairesponsable!' Sen. Risa, pinalagan 'designated survivor' remark ni VP Sara

“But obviously until we spend a bit of time together it would be tough to know for sure.”

Nais ni Murray, natalo sa Australian Open final ni Novak Djokovic, na dagdagan ang kanyang support crew dahil na rin sa abalang iskedyul ni Mauresmo.

Sinabi ni Murray na madalas siyang makipag-usap kay Bjorkman sa mga torneo at pakiramdam niya na ang dating Wimbledon at U.S. Open semifinalist, na magaling ding doubles specialist na may siyam na grand slam titles, ay maraming maitutulong sa kanya.

“A lot of the things that I want to work on and improve in my game (are things) that he was very good at himself,” ani Murray.

“Mentally he was very strong. He got the most out of his game. He was a very good competitor. He was obviously physically very strong as well, he played singles and doubles most weeks and had a very long career.”

“So, I decided to chat to him, we ended up speaking for two and a half hours on the phone and it went by very quickly, talking about the game, all parts of the game really.”

“I liked it and decided to get him to come along and see how it goes.”