Kahapon, sinimulan natin ang paksa tungkol sa kahalagahan ng mga rituwal at tradisyon upang magkaroon ng kabuluhan ang ating pamumuhay. Naging malinaw sa atin na ang mga rituwal ang nagbibigay-hugis at koneksiyon sa ating mga araw na higit pa sa sanlinggong pagtatrabaho.
Narito pa ang ilang paraan upang maisama ang mga rituwal sa ating buhay upang magkaroon ito ng kabuluhan:
- Sama-sama ang pamilya sa hapag-kainan. – Ang “pamilya” ay maaaring mga kasama mo sa iyong trabaho, ang iyong kasintahan, o iyong mga kaibigan, ngunit ang pagkain ay kailangang paghati-hatian ng lahat ng miyembro. Kahit minsan lang sa isang araw, araw-araw kung posible, kumain kang kasama ang iyong pamilya. Gawin mo itong pagkakataon upang tumibay ang samahan at magkumustahan.
- Magtakda ng espesyal na araw. – Puwede itong Lugaw Monday (yayain mo ang iyong mga kasama na magmeryenda ng lugaw tuwing Lunes), or Horror Movie Day (sama-sama kayong manood ng palabas na katatakutan at alamin kung kaya kayong takutin). Magtakda ng isang araw para sa espesyal na aktibidad na inyong kapananabikan habang humahakbang ang mga araw.
- Pumili ng oras. – May ilang Katoliko ang pumili ng 6:00pm upang magdasal saan man sila naroon (Orasyon ang tawag ng iba rito). Bakit hindi mo piliin ang 3:00pm para magmeryenda kayong magkakaibigan sa trabaho? Or 12:00 ng tanghali para tawagan ang isang kaibigan para lang mangumusta? Or 8:00pm para sa paglalakad sa labas pagkatapos ng hapunan?
- Pagyamanin ang anuman ang mangyari. – Sa buhay, may mga biglaang pangyayari na hindi natin nakokontrol lalo na yaong nangangailangan ng selebrasyon. Abangan mo ang mga oportunidad na iyon upang makiisa sa mga mahal sa buhay, kung iyon man halimbawa ay promotion o pagkasibak sa trabaho. Laging maghanda ng alak sa refrigerator at malilinis na baso o kaya ay mag-isip ng kung anong klaseng pagsuporta ang nais mo.
Tatapusin bukas.