Sinabi kahapon ng Malacañang na hindi ito natitinag sa plano ng China na doblehin ang budget para sa sandatahang lakas nito ngayong taon.
Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio Coloma, Jr., patuloy na tutupad ang Pilipinas sa rules-based approach sa territorial dispute nito sa China.
“The Philippines will continue to pursue its advocacy of a rules-based, peaceful settlement of disputes,” ani Coloma.
“While pursuing the case for arbitration in the United Nations (UN), the Philippines continues to work for the fleshing out of a Code of Conduct of all countries with a stake in the South China Sea or the West Philippine Sea within the ASEAN framework,” aniya.
Gayunman, tiniyak ng opisyal na maigting na sinusubaybayan, hindi lang ng Pilipinas kundi maging ng ibang mga bansa, ang mga ginagawa ng China.
“China’s projection of military might in Asia is closely watched not just by ASEAN countries but by the US and European Union (EU) countries as the South China Sea is a major artery in world trade and commerce...where maintenance of freedom of navigation is deemed to be of utmost importance,” sabi ni Coloma.
Napaulat na plano ng China na dagdagan ang pondo ng military nito upang magdagdag ng mga anti-submarine ship para sa navy nito at bumili ng karagdagang eroplano. Noong nakaraang taon, nadagdagan ng 12.2 porsiyento ang gastos ng China sa military nito, o katumbas ng $130 billion.
Matatandaang naghain ng petisyon noong Marso 30, 2014 ang Pilipinas sa International Tribunal for the Law of the Sea (ITLOS), sinabing hindi natitinag ang bansa sa babala ng China na may kasasapitan ang nasabing hakbangin ng Pilipinas.
Ilang beses din na nagpadala ang gobyerno ng Pilipinas ng note verbale sa Chinese Embassy sa Maynila upang iprotesta ang lumalawak na reclamation work ng Beijing sa pinagaagawang mga isla, bukod pa sa pananakot ng mga barko ng China sa mga mangingisdang Pinoy.