August 12, 2026

Home BALITA Metro

Torre, ibinida nalinis na ilog sa Redemptorist

Torre, ibinida nalinis na ilog sa Redemptorist
Photo Courtesy: Nicolas Torre III (FB)

Ipinagmalaki ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Gen. Manager Nicolas Torre III ang bunga ng clearing operation nila sa mga nagsilutang na basura at debris sa Redemptorist Water Channel sa Parañaque dulot ng pagbaha.

Sa latest Facebook post ni Torre nitong Miyerkules, Agosto 12, inako niyang trabaho ng pamahalaan na magkaroon ng maayos na waste management gayundin ang pagsiguro na hindi mapupunta ang basura sa mga daluyan ng tubig.

“Pero may responsibilidad din tayong lahat,” pasubali niya. “Hindi puwedeng gawing basurahan ang kanal, estero at ilog—tapos magtataka tayo kung bakit bumabaha.”

Dagdag pa ni Torre, “Good government and citizen discipline must work together. Gagawin namin ang amin. Sana gawin din nating lahat ang atin. Tuloy ang trabaho.”

Matatandaang nauna nang sinabi ni Torre sa kaniyang Facebook post noong Martes, Agosto 11, na hindi raw kakayanin ng gobyerno na lutasin mag-isa ang problema ng Pilipinas sa basura.

Metro

San Fernando, binakbakan si Tolentino: 'Inutil ka ba?'

“Kailangan nating baguhin pati ang disiplina sa pagtatapon ng basura,” anang MMDA Gen. Manager.

Ito ay kasabay ng tuloy-tuloy na pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa dahil sa habagat at magkasunod na pagpasok ng bagyong “Luis” at “Maymay.”

Maki-Balita: Torre sa dagat ng basura: ‘Di ito kayang solusyunan ng MMDA’