Matinding training at preparasyon.

Ito ang sikreto na ibinahagi ni Emilio Aguinaldo College-Immaculate Conception Academy track and field coach Fernando Dagsdas na nasa likod aniya ng tatlong taong sunod na pamamayagpag ng Brigadiers sa NCAA athletics.

Muli, inangkin ng Brigadiers, na kasalukuyan pa ring probationary member ng NCAA, ang juniors track and field crown sa pamamagitan ng pagdomina sa kompetisyon kung saan humakot sila ng kabuuang 12 gold medals sa pamumuno ni Junnel Gobotia at ang napili nilang MVP na si Kenneth Rafanan.

Ayon sa dating Palaro standout na produkto ng Cavite State University, mula pa noong nakaraang Hunyo ng nakalipas na taon ay masigasig nang nag-i-ensayo ang kanyang mga atleta sa De La Salle Dasmarinas track oval at sa Dasmarinas National High School field.

Atty. Kristina Conti, pumalag sa mga umaatake sa EJK victims

“Talagang training lang at solid na preparation. Kaya nga sobrang proud din ako at nagpapasalamat sa mga batang ito pati na sa kanilang mga magulang sa kanilang paniniwala at suporta sa lahat ng mga itinituro ko sa kanila,” pahayag ni Dagasdas.

Ayon kay Dagasdas, pinili na niyang ibigay sa 6-footer at tubong Bambang, Nueva Vizcaya na si  Rafanan ang MVP award habang si Gobotia ang most bemedalled athlete matapos magwagi sa 3,000 meter run, 2,000 m steeplechase, 1,500 meter run at 4 x 400 meter relay bukod pa sa isang silver sa 800 meters dahil sa record breaking performance ni Rafanan sa shotput kung saan naitapon nito ang bolang bakal sa layong 13.57 meters at gold medal performance sa discuss throw na 39.04 meters na kapwa hindi na nalalayo sa national junior record.