LA UNION - Nabuhay ang pag-asa ng pamilyang naulila ni Bacnotan Councilor Onofre Almojuela na makakamit nila ang katarungan matapos maaresto ng pulisya ang isa sa mga suspek sa pamamaril sa nasabing opisyal.

Sa panayam sa radyo kay Billy Almojuela, anak ng konsehal, sinabi niyang nabuhayan ng loob ang kanilang pamilya makaraang mahuli ng pulisya si Robert Cardenas, umano’y gun-for-hire at residente ng Balaoan, La Union na halos isang taon ding nagtago.

Sinabi pa ni Billy Almojuela na umaasa silang mahuhuli rin ang utak sa pagpatay sa kanyang ama.

Matatandaang tinambangan si Almojuela noong gabi ng Marso 25, 2014 habang sakay sa minamaneho niyang van sa Barangay Mabanengbeng 2nd sa Bacnotan.
National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'