TOKYO (Reuters) – Sinabi ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe noong Lunes na nais niyang talakayin ang posibilidad ng pagsagip ng militar sa mga mamamayang Japanese sa ibang bansa, isang araw matapos sabihin ng mga militanteng Islamic State na pinugutan nila ang isang Japanese journalist.

Sinabi ng mga militante noong Linggo na pinugutan na nila si Kenji Goto, isang beteranong war reporter, matapos mabigo ang mga pagsisikap ng mga bansa na mailigtas siya sa pamamagitan ng prisoner swap. Pinatay din nila ang isa pang bihag na Japanese na si Haruna Yukawa, isang linggo na ang nakalipas.

Muling kinondena ni Abe ang mga militante at sinabing matatag na naninindigan ang Japan sa pagtupad sa kanyang pangako bilang kasapi ng isang pandaigdigang komunidad para sa paglaban sa terorismo at kailangan nitong maprotektahan ang kanyang mamamayan.

National

Atom Araullo, panalo sa kasong ‘red-tagging’ vs Lorraine Badoy at Jeffrey Celiz