Isang panukalang batas ang nakahain sa Kamara upang palawigin pa ang serbisyo ng mga scientist na nagtatrabaho sa gobyerno at malapit nang magretiro.

Batay sa House Bill 5155 ni Rep. Fernando V. Gonzalez (3rd District, Albay), ang pagpapalawig ay hanggang limang taon pa. Ang request for extension sa serbisyo ay dapat na isumite sa Civil Service Commission (CSC) tatlong buwan bago ang petsa ng compulsory retirement ng isang scientist.

Iginiit niya na kapag pinagretiro ang government scientists na sumapit na sa 65-anyos, mawawalan ang bansa at mamamayan ng talino, mga ideya, skills at leadership abilities na natamo ng scientists sa maraming taon.
National

Pagkaltas sa budget ng edukasyon at kalusugan, 'di magandang pamasko —Aquino