August 12, 2026

Home BALITA National

PBBM, tagilid sa ideyang pagtataas ng multa sa mga nagkakalat ng basura!

PBBM, tagilid sa ideyang pagtataas ng multa sa mga nagkakalat ng basura!
Photo courtesy: PCO (FB)

Hindi umano sinasang-ayunan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang ideya sa pagtataas ng multa para sa mga hindi maayos na nagtatapon ng kanilang mga basura. 

Sa naging pahayag ni PBBM sa pagpunta niya sa Diokno pumping station sa Pasay City nitong Miyerkules, Agosto 12, 2026, sinabi niyang hindi raw wasto na singilin ng multa ang mga taong wala lang mapagtapunan ng kanilang basura. 

“It’s not useful to fine people for not throwing their garbage if there [were] no place to put their garbage,” giit niya. 

Diin ng Pangulo, alam daw niyang may kaukulang multa para sa mga taong hindi wastong nagtatapon ng basura ngunit wala naman daw sinoman ang gustong masingil dahil dito. 

“We are aware that there are fines. Wala namang gusto na mamumultahan,” aniya. 

National

'Alangang bugbugin ko!' Kapunan, pumrenong 'figurative lang' spanking kay Ferrer

Anang Pangulo, mas mahalaga raw na mabigyan ng mga pasilidad na mapagtatapunan ng taumbayan ng basura, imbes na mas pabigatin pa ang parusa para sa mga ito. 

“Pero kailangan, bigyan din natin ng facilities kung saan puwedeng itapon ‘yong basura,” saad niya. 

“Ganoon lang kasimple kung minsan ‘yan, e. Minsan, ganiyan lang kasimple ‘yong problema,” pagtatapos pa niya. 

Kaugnay nito, inilahad naman ni PBBM nito ring Miyerkules ang pinaplano umano ng Department of Energy (DOE) na pagbili sa enerhiyang magmumula sa mga basura.

Aniya, pinag-uusapan na raw nilang mabuti ni DOE Sec. Sharon Garin ang tungkol sa plano ng naturang ahensya sa pagbili ng enerhiyang magmumula sa waste to energy plant.

Mungkahi ng Pangulo, ito na raw ang nakikita nilang tanging solusyon sa problema sa basura dahil puno na raw ang mga landfill na kinokolekta at dinadala ng mga local government unit (LGU) sa kani-kanilang mga lugar.

KAUGNAY NA BALITA: DOE, bibilhin enerhiya na magmumula sa mga basura—PBBM

KAUGNAY NA BALITA: Gobyerno, 'di kakayaning magtrabaho nang magtrabaho kung pabaya nang pabaya ang taumbayan—Palasyo