Hindi lubos na kasiya-siya ang mahabang bakasyon dahil sa sobrang haba ng trapiko dahil sa masalimuot na paraan na ng pangongolekta ng toll fee sa mga toll gate palabas at papasok ng Metro Manila.

Ayon kay Senate President Frankln Drilon, ang napakahabang pila sa mga toll gate ay nagdulot ng pagkainis at pag-iinit ng ulo ng mga motorista dahil inabot ng ilang oras bago makalabas.

“Hindi ko maintindihan kung anong sistema ang ginagamit nila. Ako mismo, ilang express toll ang aming dinaanan para lamang makalabas sa expressway,” sinabi ni Drilon, na nagtungo sa Baguio City nitong Biyernes.

Ganito rin ang reklamo ng ilang bakasyunista, sinabing umabot sa halos 12 oras ang biyahe patungo Baguio gayung nasa lima hanggang anim oras lang talaga ito.

Eleksyon

Makabayan senatorial bets, winelcome ni Ex-VP Leni sa Naga

“Gagawa tayo ng paraan, magpapatawag tayo ng pagdinig dyan kasi hindi ko maintindihan kung bakit hindi pag-isahin ang collection system sa toll fees. Halos dalawang oras bago ka makarating sa isa pang expressway na mayroon ding toll gate,” ani Drilon.