Disyembre 29, 1940 nang magbagsak ng bomba ang mga German warplane sa London, England na nagdulot ng sunog sa Thames banks at pumatay sa nasa 3,600 Briton.

Nangyari rin ng araw na iyon ang malawakang pagwasak sa mga cultural relic at may 15,000 magkakahiwalay na sunog ang puminsala sa mga makasaysayang gusali sa lungsod. Isa sa mahahalagang gusali na nawasak ang Guildhall administrative center na itinayo noong 1673. Habang bahagya namang nasira ang Buckingham Palace, Westminster Abbey at Chamber of the House of Commons.

Agosto 1940 nang maghiganti ang puwersang German laban sa British sa pag-atake sa Berlin, sa pagpuntirya nito sa London. Sa mga sumunod na buwan, 337 bomba na ibinagsak ng Germany ang sumabog sa mga pier, apartment at kalsada. Ang sumunod na “London Blitz” ay nagresulta sa pagkamatay ng libu-libong sibilyan.
National

Usec Castro, binoldyak ni Maharlika sa 'pa-travel-travel lang' si VP Sara