Disyembre 28, 1974 nang pumanaw ang huling hari ng Italy na si Victor Emmanuel III habang naka-exile sa Alexandria sa Egypt.

Taong 1900 nang makuha niya ang titulo bilang hari mula sa kanyang ama na si King Umberto I na pinaslang. Sinuportahan niya ang digmaan ng Italy kontra sa Turkey noong 1911 at ang pakikibahagi ng bansa sa World War I noong 1915. Nang maluklok sa puwesto ang diktador na si Benito Mussolini upang pamunuan ang gobyerno noong 1915, tinangka pero nabigo si Victor Emmanuel III na pigilan ang diktadurya sa gobyerno. Ito ang naging dahilan ng kanyang pagbagsak.

Noong 1943, ginulat niya ang mundo nang iutos niya ang pag-aresto kay Mussolini at itinalaga si Marshal Pietro Badoglio bilang Italian premiere. Ngunit hindi nito nagawang pigilan ang pakikibahagi ng Italy sa World War II.
National

Mga nagpakalat ng fake news tungkol sa 'petisyon,' lagot sa Korte Suprema!