Aabot sa 3,000 batang-lansangan ang nabiyayaan ng iba’t ibang regalo sa isang Christmas party na pinangunahan ng pamahalaang lokal ng Lungsod ng Pasay kamakalawa kung saan naging tampok din ang isang in-door carnival.
“Even just for a day, our kids who are living in and roaming about our city streets, are given a day of fun and joy on Christmas,” sabi ni Pasay City Mayor Antonino “Tony” Calixto.
Isinagawa ng Pasay Social Work and Development Office (PSWDO) ang unang Christmas Party at gift-giving activity sa lungsod para magbigay saya sa mga kabataan nitong Pasko.
“This is just but one of our ways to bring our street children back into the folds of the community as responsible members of society,” dugtong ng alkalde.
Regular na nagsasagawa ang PSWDO ng rescue operation upang mailigtas ang street children sa panglilimos at pagala-gala sa mga kalsada. Ilan sa mga nasagip na bata ay dumanas ng pang-aabuso at ginagamit din ng mga sindikato para sa iba’t ibang krimen.
Nilinaw ni PSWDO Head Rosalinda Orobia na ang pagbibigay ng limos sa mga bata sa kalsada ngayong Pasko ay hindi nakatutulong na matugunan ang tunay na isyu na maialis sila sa lansangan at lalo lang magpapatuloy ang mga ito sa paglilimos.
“Making our street children become responsible citizens must involve the concerted efforts of the Barangay, the PNP, the Social Work and Development Department as well as the other offices and agencies mandated to care for our youth,” pahayag ni Orobia.