BEIJING (Reuters) – Ipinagbawal ng isang unibersidad sa northwestern China ang Pasko na tinawag nitong “kitsch” foreign celebration at hindi nararapat sa sarilingtradisyon ng bansa at sa halip ay hinikayat ang mga estudyante na manood ng propaganda films, ayon dito noong Huwebes.
Sinabi ng state-run Beijing News na ang Modern College of Northwest University, sa Xian, ay nagsabit ng mga banner sa buong campus na may nakasulat na “Strive to be outstanding sons and daughters of China, oppose kitsch Western holidays” at “Resist the expansion of Western culture”.
Sinabi ng isang estudyante sa pahayagan na maparurusahan sila kapag hindi sila dumalo sa isang mandatory three-hour screening ng propaganda films, na ayon sa ibang estudyante ay kinabibilangan ng isang tungkol kay Confucius, at nakabantay sa kanila ang mga guro upang matiya na walang aalis.
“There’s nothing we can do about it, we can’t escape,” sabi ng estudyante.