August 18, 2026

Home BALITA National

Medical leave ni Sen. Legarda, 'quite suspicious' na umano sa Ombudsman!

Medical leave ni Sen. Legarda, 'quite suspicious' na umano sa Ombudsman!
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Tila kaduda-duda na umano para sa Office of the Ombudsman ang tuloy-tuloy na medical leave ni Sen. Loren Legarda habang kasalukuyan itong nasa labas ng bansa. 

Sa naging pahayag ni Assistant Ombudsman Mico Clavano sa ikinasa nilang press conference nitong Martes, Agosto 18, 2026, sinabi niyang nakakuha naman daw sila ng travel authority ng anak ni Sen. Legarda na si Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may tagal na dalawang buwan mula noong Hulyo 26 hanggang sa Setyembre 4. 

Ani Clavano, may listahan umano ng mga bansa na nakatakdang puntahan si Leviste sa durasyon ng dalawang buwan ng kaniyang travel authority. 

“Kay Leandro Leviste, we were able to obtain a travel authority wherein he asked for two months of leave from July 26 to September 4. He listed several countries that he intended to visit,” pagsisimula niya. 

Giit naman ni Clavano, aabot naman na raw sa tatlo o apat ang extension for travel authority ni Sen. Legarda kaugnay sa kaniyang medical reasons at nakikita na umano nila itong “quite suspicious” o kaduda-duda. 

National

'Napakahirap tanggapin!' Sen. Risa, nabahala sa pag-livestream pa ng gunner sa Zamboanga

“On the other hand, si Sen. Loren Legarda is on her, I believe, third or fourth extension of her travel authority for medical reasons. Which we have begun to find quite suspicious already,” aniya. 

Diin pa niya, “On the one hand, you have a congressman who has left the country for an intended two months visiting all these different countries. And on the other hand, you have a senator who has consistently extended her travel leave or medical leave.” 

Tirada ni Clavano, dahil daw sa mga nabanggit na pangyayaring ito, kinakailangan na raw nila itong gawan ng aksyon dahil may gumugulong na raw na kaso sa Office of the Ombudsman laban kay Sen. Legarda. 

“To us, of course, we want to air on the cautious side of things. Kailangan na nating i-flag ‘yan dahil meron na siyang ongoing case dito sa Office of the Ombudsman,” ‘ika niya. 

Paglilinaw ni Clavano, huling beses raw nilang narinig na kapuwa nasa bansang France sina Sen. Legarda at Rep. Leviste. 

Samantala, nang matanong kung maaaring mag-seek for asylum sina Sen. Legarda at Rep. Leviste kagaya umano ng ginawa ng puganteng si dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co, inihayag ni Clavano na maaari lang daw nila itong gawin dahil sa political prosecution laban sa mga nabanggit. 

“Possible na nag-seek ng asylum. However the only ground that she would be using to seek asylum is political prosecution. ‘Yan lang po ang puwedeng gawing rason ni Sen. Legarda at Cong. Leviste doon sa France kung gusto niyang kumuha ng asylum,” pagtatapos niya. 

Matatandaang inanunsyo sa publiko ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla noong Biyernes, Hulyo 31, 2026, ang nakatakda umano nilang pagkakasa ng preliminary investigation laban kina Legarda at Leviste. 

Ani Remulla, kaugnay umano ito sa hinawakang eksklusibong kontrata ng Solar Philippines Power Project Holdings Inc. (SPPHI) na itinayo ni Leviste noong 2013, na siyang lubhang nakasira daw sa Republika ng Pilipinas.

Diin pa niya, may kaugnayan umano si Legarda para makakuha ng eksklusibong kontrata ang anak niyang si Leviste sa kaniyang “solar empire” bilang chairman daw ng Senate Committee on Finance noon.

KAUGNAY NA BALITA: 'Di makatarungang pagdungis!' Sen. Legarda, umalma sa Ombudsman

KAUGNAY NA BALITA: 'Di makatarungang pagdungis!' Sen. Legarda, umalma sa Ombudsman

KAUGNAY NA BALITA: Mag-inang Rep. Leviste, Sen. Legarda lumipad palabas ng bansa!