Matatapos na ang 2014! Excited ka ba sa mga mangyayari sa 2015? Magiging mas mabunga ba ang Bagong Taon para sa iyo?

Sa totoo lang, pinananabikan ko ang Disyembre dahil sa buwan na ito ako nagkakaroon ng pagkakataon upang muling tingnan ang taon na nagdaan. Marami akong katanungan sa aking sarili bago magtapos ang kasalukuyang taon. Hanggang saan na ba ang narating ng aking career? Anu-anong New Year’s resolution ko ang natupad? At marami pang iba. Inirerekomenda kung ipagpatuloy mo ang pagbabasa ng artikulong ito at sikapin sa buo mong katapatan na sagutin ang ilang katanungan. Maaaring ito na ang pinakamahalagang questionaire na sasagutin mo sa taon na ito.

  • Gaano ka ka-satisfied sa 2014? – Sa scale mula 1-10 na ang 10 ang pinakamataas, bigyan mo ng score ang iyong satisfaction sa magtatapos na taong ito? Mula sa scale na ito, magkakaroon ka ng pananaw tungkol sa taong nagdaan.
  • Eleksyon

    Kiko Pangilinan, itinangging sasama sa senatorial slate ni PBBM

  • Bakit ka nagbigay ng ganoong score? – Sa score na ibinigay mo sa tanong sa ibabaw ng pariralang ito, bakit ka nagbigay ng ganoong score? Mas mahalagang maunawaan ang mga pangyayari o elemento na nagbunsod sa gradong iyon. Halimbawa: Kung binigyan mo ang 2014 na score na 4, bakit? Dahil ba sa hindi mo pinagyaman o iningatan ang iyong relationships? Dahil ba sa pinabayaan mo ang iyong kalusugan dahil sa sobrang kasipagan mo sa trabaho?
  • Ano ang pinakamalaki mong achievement sa taong ito?– Ito ba ang pagbayad mo ng buo sa credit card? Ito ba ang pagpapakasal sa nililiyag mong kaibigan ng iyong kasintahan? Ito ba ang pagkatanggap mo ng Most Outstanding Employee Award? Sa tanong na ito, may pagkakataon kang alamin kung ano ang pinakamahalagang tagumpay sa iyong buhay. Kung ito ang itatanong mo sa iyong sarili sa Disyembre 2015, magsisikap ka na higitan ang iyong mga naging tagumpay sa taong ito.

Sundan bukas.