Iniulat ng Department of Health (DoH) na anim na ang naitala nilang nasugatan dahil sa paputok sa bansa.

Nabatid sa tala ng Department of Health, nitong nakalipas na Martes, (Dis. 23, 2014), iniulat ni Spokesperson Dr. Lyndon Lee Suy, kumpirmadong anim na katao ang nagtamo ng minor injuries dahil sa paputok.

Aniya, inaasahang tataas pa ang bilang habang papalapit ang pagsalubong sa Bagong Taon.

Umaapela ang DOH sa mga magulang na tutukan ang mga paslit. “Dapat bantayan ng matanda ang mga bata at pagbawalan na magpaputok kahit hindi Pasko at Bagong taon para makaiwas sa disgrasya at kapahamakan,” aniya.
National

Sen. Imee Marcos, nanawagan ng 'urgent investigation' sa pag-aresto kay FPRRD