PUMANAW na ang British soul singer na si Joe Cocker noong Lunes, ayon sa Marshall Arts, ang kompanya ng agent ni Cocker na si Barrie Marshall, sa England.
Pumanaw si Cocker sa edad na 70, matapos niyang makipaglabanan sa lung cancer. Siya ay sumikat sa kanyang With a Little Help from My Friends at You Are So Beautiful.
Kilala rin ang singer sa pagkumpas ng kanyang kamay tuwing siya ay nagtatanghal sa entablado.
“His international success as a blues/rock singer began in 1964 and continues till this day. Joe created nearly 40 albums and toured extensively around the globe,” ayon sa Sony Music, ang kanyang record label.
Lumaki si Cocker sa Britain at nanirahan sa Crawford, Colorado.
Nagpahayag ng pakikiramay ang mga kapwa musikero at umiidolo sa singer gamit ang kanilang Twitter, na kinilala bilang Officer of the Order of the British Empire (OBE) sa Buckingham Palace.
“Goodbye and God Bless to Joe Cocker from one of his friends peace and love. R.,” ayon sa kanyang kabanda sa Beatles na si Ringo Starr.
“We loved you forever. We will miss you always ... RIP Joe Cocker,” pahayag ni Steven Tyler, front man ng Aerosmith.
Inilarawan naman ni Bryan Adams si Cocker bilang isang mabuting kaibigan at isa sa pinakamahuhusay na singers.
Isinilang si Joe Cocker sa Sheffield, England, mula sa marangal na pamilya. Siya ay nagtrabaho bilang tubero habang nagsasanay sa pagkanta, inawit niya ang Motown sa pubs sa England noong 1960.