Disyembre 24, 1973 nang isilang ang manunulat ng vampire romance series na “Twilight” na si Stephenie Meyer sa Hartford, Connecticut.
Pangalawa sa anim na magkakapatid si Meyer, na ang tunay na pangalan ay Stephenie Morgan. Ikinasal si Meyer sa edad na 21. Sa panaginip niya nakuha ang ideya ng “Twilight,” na ang bidang si Bella Swan ay nagmahal sa bampirang si Edward Cullen.
Makalipas ang tatlong buwan ay natapos na niya ang manuskrito ng nobela. Ilang literary agency ang tumanggi sa kanyang kuwento hanggang sa makatagpo niya ang kanyang agent.
Inilunsad ang serye noong 2005, ang naging best-seller. Ang unang libro ay agad na nasundan ng tatlo pa, ang “New Moon” noong 2006, “Eclipse” noong 2007, at “Breaking Dawn” noong 2008.
Nakatira si Meyer sa Arizona, kasama ang kanyang asawa at tatlong anak na lalaki.