DAVAO DEL NORTE – Uumpisahan na ang pagkukumpuni at pagpapaganda ng mga pasilidad sa pagpasok ng bagong taon upang maging handa ang Davao del Norte sa pagiging punong abala nito sa 1015 Palarong Pambansa, ito ay ayon kay Davao del Norte Governor Rodolfo del Rosario.

Bagamat kaya ng probinsiya na maging host ng taunang multisport event para sa student-athletes anumang oras, sinabi ni Del Rosario na sisiguraduhin ng Davao del Norte na aayusin lahat hanggang sa pinakamaliit na detalye upang maging sukatan ang probinsiya para sa mga magiging host ng kumpetisyon ng Department of Education.

Nakuha ng Davao del Norte ang 16 sa 18 boto mula sa selection committee para sa 2015. Tinalo nito ang Zamboanga del Norte, Lanao del Norte, Surigao del Norte, at South Cotabato.

Idaraos ang 2015 Palaro, nakatakda sa Mayo 3 hanggang 9, sa Davao del Norte Sports Complex sa kabisera ng Tagum City.

National

‘Don’t leave the country!’ FPRRD, pinauuwi na raw si VP Sara sa ‘Pinas

Sinabi ni Del Rosario na prayoridad ang upgrading ng water pipes sa soports complex at satellite competition venues maging sa billeting centers para sa event na inaasahang dadaluhan ng 10,000 atleta, mga opisyal at fans mula sa 17 rehiyon ng bansa para sa may kabuuang 15,000.

Ang naturang complex ay mayroong eight-track oval, isang Olympic-size pool na may kanugnog na warm up pool na may kapasidad na 500-person grandstand, isang multi-purpose gymnasium, dalawang tennis courts, at clubhouse.

Ang seguridad ang nangunguna sa listahan at magpapadala ang Davao del Norte Provincial Police office ng may isang libong personnel mula sa pulisya, Army, at iba pang force multipliers dalawang linggo bago ang pagbubukas at tatlong araw matapos ng Palaro. Sila ay itatalaga sa billeting areas, mga venue, matataong lugar, at iba’t ibang entry points sa lungsod.

Magkakaroon din ng VIP express lane mula sa Davao airport sa Tagum City upang makaiwas ang mga partisipante ng Palaro sa mabigat na trapiko.

Hindi na bago sa Davao del Norte ang pagiging punong abala sa pangunahing local competitions, naging host na rin ito ng 2013 Batang Pinoy Mindanao leg, ang 2014 Private Private Schools Athletic Association, Davao Region Athletic Association, at Philippine Football Federation Regional Qualifiers.