Anim sa bawat sampung Pinoy ang kumpiyansa na makatutugon ang gobyerno sa pangangailangan ng mga mamamayan tuwing may kalamidad tulad ng super typhoon “Yolanda,” ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS).

Base sa survey na isinagawa mula Nobyembre 27 hanggang Disyembre 1, lumitaw na 63 porsiyento ng mga respondent ang sumagot ng “very” o “somewhat” sa level ng kumpiyansa sa kakayahan ng gobyerno na harapin ang panibagong bagyo na kasing lakas ni “Yolanda”.

Matatandaan na mahigit sa 6,300 katao ang namatay at 1,000 nawawala pa rin matapos manalasa ang bagyong “Yolanda” sa Leyte at Samar noong Nobyembre 8, 2013.

Umabot din sa P89.6 bilyon ang halaga ng nasirang ari-arian.

Politics

Duterte, puwedeng palayain pansamantala habang dinidinig ang kaso pero may kondisyon —abogado

Ang 63% na nagsabing na mayroong silang “much confidence” sa gobyerno ay pinagsamang porsiyento ng mga nagsabing mayroon silang “very much confidence” (18%) at mga mayroong “somewhat much confidence” (44%).

Samantala, 37% ang mayroong maliit ng kumpiyansa sa gobyerno sa pagtugon sa panibagong bagyo na sinlakas ng “Yolanda” habang 26% ang mayroong “somewhat little confidence,” at 11% ang mayroong “very little confidence” o halos walang kumpiyansa. (Ellalyn B. De Vera)