Umabot na sa P8.09 bilyon pondo para sa iba’t ibang programa sa rehabilitasyon ang naipagkaloob ng gobyerno sa Tacloban City.

Mula sa kabuuang halaga, inilaan ang P3 bilyon para sa mga proyektong imprastruktura, P367.44 milyon para sa social services, P4.01 bilyon para sa resettlement, at P714.73 milyon sa livelihood assistance.

“Based on these figures, Tacloban City has received the most funding support from the National Government for its rehabilitation needs,” ani Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery (PARR) Secretary Panfilo M. Lacson.

Nangangahulugan na umabot na sa kalahati ang P8.09-bilyon pondo sa hinihiling ng Tacloban para sa naaprubahang kabuuang funding requirement na P15.73B. Mula sa nasabing pondo, maraming proyekto ang ginagawa o natapos, kabilang ang pagsasaayos ng Tacloban Base Port at Daniel Romualdez Airport na makukumpleto bago matapos ang 2014. Inaayos na rin ang City Hall, Civic Center at Public Market na pinondohan naman ng Department of Interior and Local Government (DILG).

National

Pagkaltas sa budget ng edukasyon at kalusugan, 'di magandang pamasko —Aquino

Nagsimula na ring magpamahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa pakikipagtulungan ng PARR, ng Emergency Shelter Assistance (ESA) para sa mga naapektuhang pamilya na kung hindi man nawasak ay napinsala ang mga bahay sa mga ligtas na lugar sa Tacloban City at umabot ang distribusyon ng ESA sa P315.55 milyon.

Kabilang naman sa mga ayudang pangkabuhayan sa mga nasalanta ang Cash for Building Livelihood Assets (CBLA) assistance para sa 9,725 pamilya; employment program ng Department of Labor and Employment (DoLE) para sa 1,151 benepisyaryo; at pagkukumpuni o pagpapalit ng mga nasirang bangka para sa 547 mangingisda.

Napondohan na rin ang tinatarget na 14,433 permanent housing unit na umabot na sa P4.01 bilyon. Base sa huling datos, nasa 1,124 na housing unit na ang nakumpleto at 5,526 pa ang tatapos sa 2015.

Kung pagbabasehan ang isinumiteng ulat ng Tacloban City nitong Mayo 22, umabot sa P7 bilyon ang kabuuang halaga ng napinsala sa lungsod habang naitala ang total rehabilitation at recovery funding sa P15.73 bilyon. Dulot ng komprehensibong pagkilos ng gobyerno, natiyak na matutugunan nito ang pagbangon ng mga lugar na sinalanta ng bagyong ‘Yolanda’.

“Most of the funds are coursed through implementing agencies such as the National Housing Authority (NHA), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Trade and Industry (DTI) and DSWD. As PARR, my focus now is to exercise my oversight functions during the implementation stage and ensure that the rehabilitation projects are delivered efficiently and timely for the benefit of the people,” sabi dating senador.