August 13, 2026

Home BALITA National

LPA, posibleng maging bagyo; ngunit papalayo ng PAR

LPA, posibleng maging bagyo; ngunit papalayo ng PAR
PAGASA

Inaasahang magiging isang ganap na bagyo ang low pressure area (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong hapon ng Huwebes, Agosto 13, 2026.

Sa 5:00 PM press briefing ng PAGASA, huling namataan ang LPA sa layong 1,765 kilometers East of Extreme Northern Luzon. 

Bagama't inaasahang magiging bagyo ang LPA, ito ay palayo ng PAR kung kaya't wala itong magiging direktang epekto sa Pilipinas.

Samantala, patuloy na nagpapaulan ang southwest monsoon o habagat sa malaking bahagi ng Luzon at Western Visayas.

Ngayong araw hanggang bukas ng tanghali, Agosto 14, inaasahan ang 50-100 mm na ulan sa Zambales, Bataan, at Occidental Mindoro.

National

Photo op lang? Palasyo, dismayado sa ilang TUPAD beneficiaries na pinepeke paglilinis

Makararanas pa rin ng maulap na papawirin at maulan na panahon sa malaking bahagi ng Luzon partikular sa Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Western section ng Central Luzon, CALABARZON, at MIMAROPA dahil pa rin ito sa habagat.